Dilim
Ilang beses na ba?
Ilang beses ko nang nasabing, “Ayoko na.”
“Di ko na kaya.”
“Gusto ko na magpahinga.”
“Tama na.”
“Maawa ka.”
Wala akong pakialam sa opinion at kmento mo
Kahit anong sabihin mo, walang magbabago
Kung hindi ka interesado, mawalang galang na, lumayas ka sa pahinang ito
Para naman sa mga interesado, gusto mo bang malaman kung nasaan ako?
Narito ako sa pulang silid na hindi mo gugustuhing manatili
Kapag pumasok ka, wala ng labasan
Hanapin mo man ang lagusan, wala kang matatagpuan
Bawal kang magsalita
Magreklamo
O lumaban
Ayan na
Naririnig ko na
Naririnig ko na siya
Dug. Dug. Dug.
Maingay, masakit sa tenga
Kumakabog ang aking dibdib
Sa bawat pagdagundong ng kanyang yabag
Alam kong malapit na siya
Bam!
Narito na siya
Sa pagbukas ng pintuan bumungad ang kanyang ngiti
Isang demonyong ngiti
Dahan dahan siyang lumapit
Gaya ng dati
Naluluha
Natatakot
Nanginginig
Ang aking katawan na pinakaiingatan, hindi ko isinaalang-alang
Ito’y napapagod na
Pati ako, pagod na pagod na
Sumisigaw ako ngunit hindi bumubuka ang bibig
Ano nga ba ang nangyayari sa akin?
Umupo siya sa kama, hudyat na ito’y magsisimula na
Sa pagluha ng aking mata, kasabay nito ang tingin niyang nanlalagkit
Mula ulo hanggang paa, mga matang nanghuhubad
Kahit ako’y hubad na
Hinawakan niya ang aking mukha
Ako’y nagpumiglas, nagwala, at sumigaw
Nakakapagod, nakakapagod magmakaawa
Sa bawat pagyugyog ng paligid
Kapalit ng kanyang halakhak ang aking pagluluksa
Sa nawalang respeto at pagkababae
Ano nga ba ang aking nagawa?
Gusto ko lang naman tumulong
Ngunit anong naging kapalit?
Iniwan nila ako
Pinabayaan
Kahit sumigaw ay walang darating
Mananatiling sarado ang kanilang tenga sa bawat naririnig
Tengang kawali sa bawat hinagpis ng isang dalagang nagsasawa na
Sa wakas, tapos na
Tapos na
Tapos na ang paghihirap ko, sa araw na ito
Dahil mayroon pang bukas, at susunod na araw
Babalik siya
At muling gagamitin ang aking katawan
Ang tunog ng kanyang sinturon, ay tila pagtunog ng kampana
Nagsisilbing palatandaan na ako’y makakapagpahinga na
Kahit sandal
Tinignan niya akong muli
Bakas ng tagumpay ang kanyang ngiti
Binuksan ang pintuan at iniwan akong nakaratay
Sa kama ng aking kamatayan
Patuloy na pinapatay
Marumi, umiiyak at naawa sa sarili
Wala akong kawala sa bangungot na ito
Patuloy na magtitiis hanggang sa mawala ako
Masalimuot
Marumi
Nakakasulasok
Ito ang madilim na reyalidad ng aking buhay
Pwede ang magsalita, pero huwag mo akong huhusgahan