top of page

Kama

Nanginginig, namamawis

Nanlalagkit na ako ng labis

Bumibigat ang bawat paghinga,

Pintig ng puso ay damang dama

Marahil ay singhap at ungol lang ang lumalabas sa aking bibig,

Salamat naman at walang nakakarinig.

Sa pagputok at pag alab ng nag iinit na damdamin ay mariin akong napapikit

Napatanong sa sarili kung ito na ba ang langit.

Marahas akong napakapit

Sa namamasa ko nang bed sheet.

Umaalog ang aking paningin, palakas ng palakas ang bawat alog,

Hanggang sa ako'y tuluyan nang mahulog.

Maya maya'y kumawala sa aking mga mata

Ang kanina pang nagbabadya na patak ng luha

Pagmulat ko ay napagtanto,

Bangungot lang pala ito

Na ilang beses nang nilagay ang buhay ko sa piligro.

Pero bakit kaya hindi na lang totohanin ang lahat?

Sa kadiliman ay tuluyan nang magpakagat.

Wala nang silbi ang nalalanghap kong hangin

Kung ang reyalidad ko nama'y bangungot din para sa akin

Sobrang masalimuot, sobrang hirap nang dalhin.

Pamilya kong watak watak, kinabukasan ko ay winasak

Mga taong itinuring kong kaibigan,

Ngayon ay iniwan akong nanlalamig sa ere kung saan nila ako iniwan.

Lalaking ginawa akong unan,

Na kapag wala nang mapagpilian, doon lang ako mangunguna sa kanyang listahan.

Nakapag desisyon na ako, wala nang atrasan.

Ang pinag planuhan ay akin nang isasakatuparan.

Isinarado ang bintana, ni lock ng maiigi ang pinto

Sinigurong hindi ako mapapansin ng mundo

Sinindihan na ang posporo

Sinilaban ang mga uling sa harap ko

Ito na talaga, di na ko mag dadalawang isip pa

Nahiga ulit ako sa mahal kong kama,

Lugar kung saan ako isinilang ni Ina,

Lugar kung saan nila ako ginawa ni Ama

Dito nagsimula ang lahat, maganda nang dito ko na rin wakasan.

Aking kama, patawad ngunit ang ating pagsasama ay hindi ko na kaya pang pang hawakan.

Tagumpay. Naisabuhay ang bangungot at nagawang makatotohanan.

Naulit ang bangungot na matagal ko nang tinatakasan.

Nanginginig, namamawis

Nanlalagkit na ako ng labis

Bumibigat ang bawat paghinga,

Pintig ng puso ay damang dama

Marahil ay singhap at ungol lang ang lumalabas sa aking bibig,

Salamat naman at walang nakakarinig.

Sa pagputok at pag alab ng nag iinit na damdamin ay mariin akong napapikit

Napatanong sa sarili kung ito na ba ang langit.

Marahas akong napakapit

Sa namamasa ko nang bed sheet.

Umaalog ang aking paningin, palakas ng palakas ang bawat alog,

Hanggang sa ako'y tuluyan nang mahulog.

Maya maya'y kumawala sa aking mga mata

Ang kanina pang nagbabadya na patak ng luha

Pagmulat ko ay napagtanto,

Sana pala bangungot na lang ito

Na ilang beses nang nilagay ang buhay ko sa piligro.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
All Videos

All Videos

Watch Now
bottom of page