Sa Iyong Ngiti (Ako'y nahuhumaling)
"Good morning my love!" Masiglang bati ko sa 'yo.
Sobrang sarap naman sa pakiramdam na ang perpekto mong mukha agad ang una kong nakikita tuwing umaga.
Magagandang ngiti naman ang isinukli mo kasama ang mga mata mong ipinagtataka ko kung nakakakita pa.
"Maganda na ba ako?" Tanong ko sa 'yo bago ako pumasok sa school.
Nakangiti ka na naman kaya confidently beautiful with a heart kitang niyakap at hinalikan sa pisngi bago ako lumabas kasi wala akong pake sa iba basta okey ang itsura ko sa 'yo.
Pagkauwi, agad kong hinawakan ang mga kamay mo.
Patawad. Patawad at pumayag akong kunin ng lalaki sa jeep yung pangalan at number ko. Pero hindi ka nagalit, bagkus ay nginitian mo lang ako.
Ngiting nagsasabi na "Okey lang, wala kang kasalanan".
Umaga na. Teka, asan ka? Maluha luha akong tumingin sa paligid, hinanap ka at hayun! nasa sahig ka lang pala.
Gumaan naman ang loob ko nang nakita ang ngiti mo.
Grabe, ang ganda talaga ng mga ngiti mo, kahit paulit ulit lang, hindi ako nagsasawa.
Dali dali akong kumuha ng tape, at nilagay ka ulit sa dati mong pwesto.
"Hayy Kim Shin, ang gwapo mo talaga sa poster mo na to. Saranghaeyo!"