top of page

Kape

Ang paborito kong tasa'y puti sayo nama'y kayumanggi,

Tuwing umagay tinitimplahan mo ng lasa'y katangi - tangi,

Kapares ay pandesal na parang ikaw, malinamnam sa bibig,

Amoy pa lang alam mo na ito'talagang kaibig- ibig.

Sampong minuto ang hinihintay upang ito'y tuluyang uminit,

Ang tubig na nasa takure na kapag tumunog ay 'di magiit,

Handa na ang tasa upang lagyan mo ng tamang init,

Na matagal nang hinnintay na malagyan ng ihip.

Kasing dilim ng paglagay mo ng kape ang buhay ko noon,

Nagkaroon lang ng kulay ng lagyan mo ng krema ang kape ko doon,

Ramdam ko tuloy ang tamis at init ng ating matatag na samahan,

Nang haluin mo ito at maging tama na, lasang - lasa ko ang pagmamahalan,

Ang init at tamis na ibinubuhos mo sa aking tasa,

Ang nagbibigay buhay sa araw araw kong kay saya,

Ang timpla mong kape sa umaga'y walang kasing sarap,

Kapag kasama ka gusto'y lagi kang hinaharap.

Ilang araw ang lumipas timpla mong kapey sadyang nagbagi na ng lasa,

Ramdam ko tuloy ang damdamin mong parang nawalan na ng gana.

Hindi lubos maisip na parang nagsasawa na,

Sa pagtimpla mo ng kapeng nakasanayan tuwing umaga.

May iba nang timpla kaya tuluyan nang pumait,

Mas masrap ang sa kanya kaya sa akiy tuluyang lumamig,

Gatas ang binigay mo sa kanya na simputi ng ulap s langit,

Barako ang saakin na sobrang kay pait,

Kaya tuluyan ng nawalan ng tamis ang kapeng aking inibig.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page