top of page

Takip Silim

Matang tumatangis

Sa iba ibabaling ang tingin

Upang 'di mo mapansin

Ang sugat ko'y malalim

Bumuo ng katha

Subalit di' maipinta ang larawan ng sa'yong mukha

Sapantaha ko'y hindi mo gusto ang aking likha.

Nabuslot ng paulit-ulit

At madarapa ng ilang beses

Ang isang talipandas ay sasakay ng salipawpaw

Upang abutin ang tugatog ng tagumpay

Bubuo ulit ng katha

Hindi para maghakot ng tagahanga

Kundi upang ideklara

Sining ay sipi ng mga mandirigma

Hinulma upang masilayan

Hinandog upang alagaan

Ngayo'y tatangapin at mamahalin

Bago pa man's dumating ang takip silim


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
All Videos

All Videos

Watch Now
bottom of page